Monday, February 15, 2010
hindi na kita kaya pang kalimutan
itinatak mo sa isip ko na palagi kang nadiyan sa aking tabi at hindi ako iiwan. sinabi mo sa puso ko na magtiwala diyan sa nararamdaman mo. hinatak mo ang aking kamalayan na dati ay nasa mundo ng kawalan. sinakop mo ang isipan ko at hinayaan akong mahulog sa bangin ng katapangan. doon ko unang nadama ang pagiging ako,ang aking malabong pagkatao ay pinalinaw mo. hindi mapapantayan ng kahit anong tamis ng tsokolate ang iyong mga salita at gawa. masaya ako at dinurog mo ang namuong lungkot ng pag-iisa. ngunit hindi pala ito magtatagal. isang araw... ikaw'y lumisan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment