kung magaling mag-english ang bata.eh. pinupuri ng mga pinoy.
kahit mejo baluktod ang dila sa pagtatagalog ay pasok pa din sa magaling.
ito ay dahil straight at may pagka slang accent pa yung bata.
pero kung mali.mali naman ang english ay minsan tinatawanan
at madalas napapagmulta ng piso per word o kaya per salita.
hindi man lang nabigyang pansin ang kung anu mang kagalingan o
kaalaman nila sa wikang pinoy. kung kaya't hindi ko malaman
kung paano tatapusin ang pamagat na pangungusap sa taas.
dapat ba na isang tuldok? tandang pananong? tandang pandamdam?
Tuesday, February 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment