
nalimutan ko na ata ang pagsulong sa magulong mundo ng ngayon at kahapon. nahihirapan akong tipunin ang lahat kong lakas para magpatuloy at gumawa ng paki-pakinabang na bagay tulad ng pagmumuni-muni at pagbabasa. tuwing naiisip ko ito, ako'y nanghihina at tila ba nawawalan na ng ganang mabuhay (pero hindi naman ako suicidal).
siguro nga dahil na rin ito sa aking pag-uugali na hanapin ang pinakamainam at yung pinakamagaling sa akin na parang ang labo ko ng makita ngayong ako ay depressed na naman.
ang hirap ng feeling na wala sa 'yong nakikinig at feeling na may nakikinig sa'yo pero 'di ka naman maunawaan. alam ko, wala na namang magbabasa nito. pero ang mahalaga napublish ko ang nais ko, gaya ng aking ginusto at gugustuhin pa.
nalilito ako sa mga bagay na dapat ay hindi ko na kalituhan.
naiinis ako sa mga taong ayaw akong mahalin. hehe
natutuwa ako kapag pinupuri ang gawa ko.
nalulungkot ako kapag 'di ko nagagawa 'yung nakatakda kong gawin.
naninibago na ako sa sarili ko..
pero at least..
alam kong tumatanda na ako.
No comments:
Post a Comment