Ayaw ko ng magmukhang walang alam at ayaw ko lalong tumanda na konti lamang ang nalalaman ko. Gusto ko may maibabahagi akong maganda/kapaki-pakinabang/nakakapagpasayang bagay sa iba. Sana naman matupad ang aking pangarap na may kalakip na pag-asang makakapagtapos ako sa oras at walang paghihinayang na naging Iska ako minsan sa aking buhay.
Akala ko noong una, isang semestre lang ang itatagal ko dito sa unibersidad pero salamat na lamang sa aking pamilya, lalung-lalo na sa aking magulang na patuloy ang suporta sa akin. Ngayon ko lang naalala na kung hindi dahil da kanila, wala ako dito.
Salamat!
Thursday, February 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment